Filipino 10-Q4_Si Rizal bilang isang Bayani sa Nagbabagong Daigdig
Matatalakay sa Modyul 1 ang tungkol sa maikling tala ng buhay at mga gawa
ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal. Kikilalanin natin ang
napakahalagang papel na kaniyang ginampanan bilang isang bayani ng bansa sa
nagbabagong daigdig. Bahagi rin ng pag-aaral sa modyul na ito ang pagtatala ng
mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng mapagkukunang sanggunian sa
tulong ng pananaliksik..
Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs):
1. Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo. (F10PN-IVa-b-83)
2. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito.
(F10PT-IVa-b-82)
3. Naitatala ang mahahalagang impormasyon mula sa iba’t ibang
pinagkukunang sanggunian.
4. Nagagamit ang iba-ibang reperensya / batis ng impormasyon sa pananaliksik.
(F10EP-IIf-33)